Add parallel Print Page Options

At ito ang pangako, “Giginhawa ka at hahaba ang buhay mo rito sa lupa.”[a]

At kayo namang mga magulang,[b] huwag kayong gumawa ng mga bagay na ikasasama ng loob ng mga anak ninyo. Sa halip, palakihin ninyo sila nang may disiplina at turuan ng mga aral ng Panginoon.

Aral sa mga Alipin at mga Amo

Mga alipin, sundin nʼyo ang inyong mga amo rito sa lupa nang may katapatan, paggalang at pagkatakot na parang si Cristo ang pinaglilingkuran ninyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6:3 Exo. 20:12; Deu. 5:16.
  2. 6:4 magulang: sa literal, mga ama.